Tuesday, February 17, 2009

...major ranting on random things

Uh...

Ewan ko kung bakit uli ako nagpost dito. Naghahanap lang gagawin.

Actually, I should be working on my balance toy. Pero ang sakit talaga ng katawan ko, tapos nagpush-ups and stuff pa sa PE, kayo mas lalong lumala.

Hayy.. May nalaman akong medyo madaming things today, pero syempre, I won't tell.

Grabe. Naglalabas lang siguro ako ng sama ng loob from everything na nangyari. Actually, hindi ko alam kung ano talaga main reason ng sama ng loob ko. Wait, actually, hindo ko alam kung sama ng loob talaga. Feeling ko, parang badtrip lang ng kunti kasi ung mga requirements. Pero, oh well. Walang trials na hindi mo malalampasan. Yheh! :)

May isa akong wish talaga na gusto kong matupad, pero medyo selfish siya. So totoo, dalawa, pero malabo talaga mangyari ung isa. Unless, biglang mag-iba ihip ng hangin... Nevermind. Ang labo ko talaga.

Grabe. Ang hirap talaga gumalaw. Feeling ko, nagkacrunches pa rin ako sa sobrang sakit everytime na gagalaw ako.

Gusto ko na ayaw kong pumasok bukas. Ayaw ko kasi duh, ayaw ko na muna mag-aral. Gusto ko kasi, ewan ko. Pero may weird thing na nagsasabi na I want to go to school tomorrow. Hayy, kung wala lang kasing Physics diba...
:)

...If only there's a magical way to make imaginations real...

Nakakainis minsan. Pero ayaw ko na mainis. I mean, ang boring naman siguro ng life kung laging andyan na lang ang happiness at wala ng iba. Magiging corny at repetitive na lang life natin diba. Wala ka nang aabangan, wala ka nang paghihirapan, kasi diba, masaya na lagi. Kaya nakakaboring din ung life na ganun. Hayy, anu ba naman sinasabi ko?

Pero. Basta. Kasi ayaw ko talaga mainis, lalo na sa isang tao. Ewan ko. Pero ayaw ko talaga. Hindi kinakaya ng conscience ko siguro kapag may nakaaway ako. Hahah. Ang labo ko talaga. Kung saan-saan na ako nakarating.

Woah. Ang haba na pala ng post ko. Yeh, so obviuosly, super random post lang nito. Kasi nga, wala akong magawa. :)

Grabe. Gusto ko lang talagang mag-rant at mag-rant dito. Wala kasi ako makausap ngayon e. Okay na rin un. Habang 'nag-iisip' ng design para sa balance toy. Feeling ko, bukas na rin ako gagawa. Hahah.

So yeh. Life. Ewan ko. Naguguluhan nga ako sa buhay ko e. Hindi ko alam kung anu ba dapat gawin ko. Syempre, priority pa rin studies (kahit ayaw ko talaga minsan), pero after that, hindi ko na alam gagawin sa buhay ko. Well syempre, before all of that, si Lord muna, tapos family and friends. Tapos ung goals ko na nga sa buhay na hindi ko pa rin alam hanggang ngayon.

Naalala ko tuloy ung sinabi ni Sir Chuckie dati. Hahah.. Pero aside from becoming a doctor, childhood dream ko din ang maging astronaut. Wala lang. Astig kaya. Or dahil medyo madali akong mahilo, kahit controllers lang sa NASA or kahit saang astronomical whatever place. Ang gulo ko talaga.

Hayy. Anu pa ba. Sige iisa-isahin ko na lang aspects ko sa life.

Physical? Hayy. Masakit pa rin katawan ko. Especially sa legs at neck part. Pero pumayat daw ako ng super liit accdg dun sa apparatus sa PE. Ewan. Hayy, grabe. Minsan naiinis ako kasi wala akong special athletic capabilities. Seryoso. Hayy. Masasabi ko lang na flexible ako, pero kunti lang. Syempre, may mas flexible sa akin diba. Sa mental. Baliw ako. Autistic. Hindi matino most of the time. Ewan. Pero seryoso, baliw ako, at autistic. Hahah. Spiritually, un na siguro pinakamatino sa akin. Well, for me, I can say I'm growing in this aspect. Socially? Grabe, I'm NOT emo. Asa naman. Takot nga ako sa blade at sharp objects eh. Anu pa ba?

Uh, tapos. Ewan. Wala pa rin akong naiisip na balance toy. Anu ba yan?!

Longest post ever ko na yata ito. Oh well...

Hindi ko talaga maintindihan sarili ko. Ewan.

Ah, ito na lang. Mga changes na nangyari sa life ko nung pumasok ako sa pisay, good and bad...
-marunong na ako magcram
-dumami kilala ko.. duh, lahat naman eh..
-natuto akong magmura, and now I'm trying hard na hindi na magmura uli.
-alam ko na magpuyat, like 3hours sleep lang talaga
-natuwa in some way sa high school life
-naging autistic
-nakasira ng project ng higher year.. (heheh, kuya gian dapul and group's art project)
-mas nagiging close kay God
-natutong mag-walkout kapag 11 minutes late ung teacher
-may stipends every month.. extra credits..
-natutong magthermochemistry at projectile motion (yuk naman!)
-and so on...

Ang dami e. Grabe. Ayaw ko maging sentimental ngayon. Anyways.

Tama na nga. Baka sa sobrang walang maisip, madouble ko pa ung haba nito.

:)

1 comment:

Anonymous said...

Lets do it nah -utanes